^

PM Sports

F2 kampeon sa Grand Prix

Pang-masa
F2 kampeon sa Grand Prix

Ang pagdiriwang ng F2 Logistics. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nakumpleto ng F2 Logistics ang pagwalis sa huling dalawang laro ng serye matapos  gapiin ang Petron, 25-20, 25-20, 20-25, 25-18, sa Game Three para makamit ang korona ng 2017 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang Grand Prix title para sa Cargo Mo­vers at ang kanilang ika­lawa sa PSL matapos magreyna sa All-Filipino Conference no­ong  2016.

“We know Petron as a very talented team. They have so many weapons,” sabi ni F2 Logistics coach Ramil De Jesus sa Petron. “That’s why it’s a sweet victory for us.”

Naunang naisuko ng F2 Logistics ang Game One ng  kanilang best-of-three title series bago naipuwersa ang ‘winner-take-all’ Game Three nang kunin ang 25-20, 24-26, 14-25, 25-19, 15-4 panalo sa Game Two.

Kagaya ng dati, na­ging mainit ang opensa ng Cargo Movers sa pa­ngunguna ni Venezuelan import Maria Jose Perez, nahirang na Conference MVP, para kunin ang first at second sets.

Nag-ambag naman si skipper Cha Cruz ng 16 points kasama ang 3 aces.

Nakahirit ng fourth set ang Blaze Spikers sa pamumuno ni Best Outside Spiker Hillary Hurley na nagtala ng 6 point sa ginawa nilang 10-4 ata­ke sa naturang set.

Sa fourth set ay ka­agad nakabawi ang F2 Logistics bago nakahabol ang Petron at inilapit ang iskor sa 6-8.

Muling nakalayo ang Cargo Movers sa 11-7 tampok ang back-to-back aces ni Cruz.

Nagawang makadikit ng Blaze Spikers sa 10-11 galing sa dalawang aces ni Rhea Dimacula­ngan.

Tuluyan nang kumalas ang F2 Logistics sa 18-11 hanggang selyuhan ni Perez ang kabigu­an ng Petron mula sa kanyang backline hit.

Tumapos si Perez na may 24 points.

Tinalo ng Blaze Spi­kers ang Cargo Movers para sa korona ng PSL All-Filipino Cup apat na buwan na ang nakakalipas. FMLumba

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with