^

PM Sports

China, Korea nakauna

RCadayona - Pang-masa

LARO SA NOBYEMBRE 27(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Gilas Pilipinas vs Chinese-Taipei

MANILA, Philippines — Hindi binigo ng China ang kanilang mga kababayan, habang nagtala naman ng panalo ang Korea sa New Zealand sa pagsisimula ng FIBA Asia World Cup 2019 Qualifiers kahapon.

Dinurog ng mga Chinese ang bisitang Hong Kong, 96-44, sa Youth Olympic Games Park sa Nanjing, samantalang pinatumba ng mga Koreans ang New Zealand Talll Blacks, 86-80, sa TSB Bank Arena sa Wellington.

Ang China ay nasa Group A kasama ang Hong Kong, Korea at New Zealand, samantalang ang Group C ay binubuo ng Lebanon, Syria, Jordan at India.

Kasama naman ng Pilipinas sa Group B ang Japan, Chinese-Taipei at Australia, habang nasa Group D ang Iran, Kazakhstan, Qatar at Iraq.

Nagpasabog si guard Mugedaer Xirelijiang ng 17 points na tinampukan ng limang three-pointers para sa panalo ng China laban sa Hong Kong.

Nakatakdang labanan ng Chinese ang Koreans bukas sa Korea para pag-labanan ang liderato sa Group A.

Humataw naman si wingman Jeon Jun Beom ng anim na triples para sa 22 markers at humakot si veteran big man Oh Sekeun ng 14 points at 10 boards para sa tagumpay ng mga Koreans kontra sa Kiwis.

Ang New Zealand ay pinangunahan ng magkapatid na sina Corey at Tai Websters sa pinagsama nilang 30 points.

Samantala, pinatumba ng Lebanon ang India, 107-72, habang dinaig ng Jordan ang Syria, 109-72.

Pag-aagawan bukas ng mga Jordanians at Lebanese ang solong liderato sa Group C sa Amman, Jordan.

Tinalo ng Lebanon ang India kahit wala sina superstar Fadi El Kathib at naturalized player Norvel Pelle.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with