^

PM Sports

Matira matibay sa laban ng Junior Blazers at Red Robins

Pang-masa

MANILA, Philippines — Makatabla sa  San Beda College  bilang most winningest juniors NCAA squad ang hangad ng Mapua sa pagtatapat nila ng St. Benilde-La Salle Greenhills na naghahangad naman ng unang kampeonato nga-yong hapon sa  Game Three ng  NCAA Season 93  juniors basketball tournament finals sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Una nang nagwagi ang Junior Blazers sa  series opener, 74-68 noong nakaraang linggo pero naitabla ng Red Robins ang serye noong  Game Two sa pamamagitan ng 91-81 panalo noong Martes upang maipuwersa ang  Game Three ngayong alas- 3:00 ng hapon.

“We are determined to win everything in Game Three and we will give it our best to bring the title back to Mapua,” ayon kay Mapua coach Randy Alcantara.

Hangad  ng Mapua na masundan ang nakaraang kampeonato na tumapos ng kanilang 16-year title drought noong nakaraang taon matapos igupo ang league’s most-decorated team na San Beda  na may 22 juniors title.

“It’s going to be who wants it most. No more x’s and o’s. Mas maganda dahil kumpleto na lahat,” dagdag pa ni  Alcantara na tinutukoy ang pagbabalik ng nasuspindeng si Inand Fornilos sa panig ng Junior  Blazers.

Nais ng Red Robins na may siyam na manlalarong nakatakdang magtapos ang playing years, na magkaroon ang mga ito ng magandang send-off.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with