^

PM Sports

Late na naman si Blatche

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Gaya ng dati, sablay si Andray Blatche sa pagdating sa pangako niyang dumating sa unang araw ng Gilas Pilipinas training camp.

Actually, limang araw nang late si Blatche sa kanyang pagdating at na-miss niya ang three-day training camp ng Gilas sa Taal Esplendido.

Dahil sa kanyang “no-interview policy” sa sports media, blangko ang marami kung ano ang nasa isip ni Gilas coach Chot Reyes tungkol sa naturalized player na babandera ng kampanya ng Team Phl kontra sa Japan at Chinese Taipei sa unang competition window ng FIBA Asia World Cup qualifier.

Ilang araw na lang ay sasagupain na ng Gilas ang Japan sa Nov. 24 sa Tokyo pagkatapos ay ang Chinese Taipei sa Nov. 27 sa Smart Araneta Coliseum.

Isang linggo na lamang at hindi pa rin sila nakapag-ensayo na kasama si Blatche.

Ang aking pakiramdam, sa Sabado na magpapakita si Blatche dahil may laro pa ang kanyang CBA team na Xinjiang kontra sa Zheijang Guangsha sa Biyernes.

Iyon ang huling laro ng Xinjiang sa taong ito dahil sa January na ang kanilang susunod na laban.

Pero dahil kasalukuyang lumalaro sa CBA, siguradong nasa playing condition ang naturalized player na ito. Ang siste nga lamang ay ilang araw niya lamang kakapain ang sistema at teammates na makakasama sa laban kontra sa Japan at Chinese Taipei.

***

Dahil wala pa ring kasiguruhan sa pagdating ni Blatche, ready kaya ang Gilas sa paglaban nang walang naturalized player?

Ramdam ko na nabubwisit si coach Chot at pinaghahandaan ang bagay na ito – lumarong all-Filipino sa FIBA tourney.

Puwede naman talagang bumulaga ang bagay na ito anytime gaya na lamang ng na-injured si Marcus Douthit sa simula pa lamang ng Gilas-Korea semifinal match noong 2013 FIBA Asia Championship.

Pero kung Japan at Chinese Taipei lamang ang kalaban, matibay pa rin ang isang all-Filipino Gilas team na pangungunahan ni June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Jayson Castro, Calvin Abueva at Gabe Norwood.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with