Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bakbakan na sa swimming, athletics at chess

Batang pinoy Visayas LEG

Dumaguete City  , Philippines  —   Apat na gintong medalya agad ang paglalabanan sa rapid event ng chess at marami pang iba sa athletics at swimming ngayon sa umpisa ng aksiyon sa 2017 Batang Pinoy Visayas Leg sa Lamberto Macias Sports and Cultural Center dito.

Paboritong manalo si Jerrish John Velarde ng Lapu-Lapu City sa boys 12-year and under division ng chess at Glizette Tatoy ng San Fernando, Cebu sa girls category bunga ng kanilang mataas na rating sa torneo.

Ang 10-anyos na si Velarde na isang Candidate Master ay third placer sa nakaraang 2017 National Junior Chess Championship kaya inaasahang dodominahin nito ang kumpetisyon bilang preparas-yon sa kanyang pagsali sa Asian Schools and Youth Chess championship sa China sa susunod na taon.

Umabot sa 2,800 atleta mula sa 50 local government units (LGUs) sa buong rehiyon ng Visayas ang nagparehistro sa isang linggong kumpetisyon para sa mga batang atleta na may edad 15-anyos pababa.

Bukod sa chess, uumpisahan na rin ngayon ang kumpetisyon sa athletics sa Gov. Mariano Perdices Sports Complex at swimming sa Lorenzo Teves Memorial Aquatic Center.

Ang iba pa sa 19 sports disciplines na paglalabanan ng mga atleta mula sa iba’t ibang probinsiya ay archery, arnis, badminton, baseball,  boxing, basketball, chess,  dancesport, karatedo,  lawn tennis, sepak takraw, pencak silat, softball, taekwondo, table tennis at volleyball.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinangunahan ni Philippine Sports Commissioner Celia Kiram ang opening ceremonies kahapon kasama si Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo at ibang mga opisyales ng Lungsod.

Hindi nakadalo si PSC chairman William Ramirez dahil kasama siya sa meeting sa Malacañang para pag-usapan ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Samantala, magdaraos din ang Philippine Sports Institute ng seminar-clinic sa sports science, first aid, sports nutrition at performance analysis simula bukas sa Foundation University dito.

“We will have courses in first aid, sports nutrition, performance analysis among children, maximizing performance using movement efficiency screening and sports nutrition,” sabi ni PSI deputy director para sa grassroot development Salvador Marlon Malbog IV, dating basketball coach ng Ateneo de Davao.

Sinabi ni Malbog ang apat na araw na sports seminar ay libre para sa mga coaches ng Batang Pinoy Visayas Leg.

“At the end of these series of sports science talks, we hope that these coaches will be able to impart what they learned to their young athletes so they can perform even better,” dagdag ni Malbog.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: