^

PM Sports

Petron inilabas agad ang lakas

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng mga Petron reinforcements na sina Hillary Hurley at Lindsay Stalzer na hindi lang hanggang papel ang taglay nilang husay nang pamunuan nila ang  25-13, 25-17, 25-19  panalo kontra sa Generika-Ayala kahapon sa  opening ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Sinasabing  pinakamahusay na  tambalan ngayong season,  pinamunuan nina Stalzer at Hurley ang atake ng Blaze Spikers sa second set at ang pagtapos nila sa third upang simulan ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng panalo. 

Tumapos na topscorer si Hurley sa itinala nitong 18-puntos habang nagdag­dag naman ang dating Foton import at 2015 MVP na si Stalzer ng 14 puntos. 

“Sobrang happy kasi lahat nag-deli­ver,” ayon kay Petron coach Shaq Delos Santos, na ibinaba ang sinasabing estado ng kanilang team bilang pinakamala­king banta sa tangkang ikatlong sunod na Grand Prix crown ng Tornadoes.

“Honestly, madami pa rin kaming inaayos, madami pa rin kaming kailangan i-improve. But the good thing is kung sino man ang ipasok namin – be it imports or local players – talagang nagde-deliver. So okay sila. I’m happy with our performance today.”

Naging kasing tigas ng bato ang ipinakitang performance nina Stalzer at Hurley sa attack zone para sa unang laban ng season-ending conference.

 Pumatas  pa ang Lifesavers sa iskor na 13 all sa second set, nang magpalitan sina Stalzer at Hurley sa paggiba ng kanilang depensa ng matitinding smashes sa wing at backline spots upang ilayo ang Blaze Spikers, 21-15. 

Hindi na nakaporma ang Lifesa­vers buhat doon hanggang makuha ang set ng Blaze Spikers.

Nakatabla pa ulit ang Lifesavers sa 13-all sa third frame bago rumatsada ang Petron at nilayuan sila sa 22-16  bago nagsanib puwersa sina  Hurley at  Ria Meneses para tiyakin ang panalo. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with