^

PM Sports

9 koponan sa PSL Grand Prix

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasok sa record na siyam na koponan ang nakatakdang sumalang at maglaban-laban sa darating na Chooks To Go Philippine Superliga (PSL) Grand Prix  sa Sabado sa  Filoil Flying V Centre sa  San Juan.

Pamumunuan ng mga Serbian imports na sina Sara Klisura, Katarina Vukamanovic at Montenegrin Dragana Perunicnic, nananatiling paborito ang two-time champion Foton habang inaasahan naman ang Petron, Cignal at F2 Logistics na magi-ging mahigpit nilang katunggali.

Sasandigan ng Blaze Spikers sina seasoned reinforcement Lindsay Stalzer at Hillary Hurley ng United States at Yuri Fukuda ng Japan bilang libero habang isasabak naman ng HD Spikers sina Beth Carey ng Australia, Alexis Matthews ng United States at Mami Miyashita ng Japan.

Para naman sa Cargo Movers, bagama’t mawawala ang injured na si Ara Galang, kumpiyansa silang mapupunan ito nina Kennedy Bryan ng United States at Olympian Maria Jose Perez ng Venezuela.

“With a record of nine teams, this is going to be the biggest PSL ever,” ani PSL president Ramon “Tats” Suzara sa press launch na dinaluhan nina  PSL chairman Philip Ella Juico, ESPN5 head Patricia Bermudez-Hizon at Bounty Agro Ventures president Ro-nald Mascarinas.

Ayon naman kay Bermudez-Hizon, lahat ng laro ay mapapanood ng live sa ESPN5.

Ang iba pang mga koponang kalahok ay ang Generika-Ayala, Sta. Lucia Realty, Cocolife, Iriga City at University of Santo Tomas.

Ipaparada ng Lifesavers bilang imports sina Katarina Pilepic ng Croatia, Penina Snuka ng Hawaii at Darlene Ramdin ng Trinidad and Tobago.

Para naman sa Sta. Lucia, magsisilbing import nila ang mga Canadian national team members na sina Marisa Field at Kristen Moncks at Ukrainian Bodhana Anisova habang lalaro naman sa Cocolife sina Tai Manu-Olevao at Taylor Milton ng United States.

Lalaro naman para sa Lady Oragons si Tamara Kmezic ng Serbia, na siyang pinakamataas sa lahat ng imports na maglalaro sa PSL sa sukat nitong  6-foot-6.

Makakatuwang niya ang Japanese libero na si Minami Yoshioka at local star na si Grethcel Soltones.

Ang Tigresses naman ang nag-iisang koponang walang import bilang guest squad para paghandaan ang kampanya nila sa darating na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with