^

PM Sports

Kakila-kilabot na pagkaka-injury ni Hayward

Pang-masa

CLEVELAND – Halos hindi maipinta ang mukha ni Gordon Hayward dahil sa matinding sakit na nararamdaman sa kanyang bukung-bukong.

Sa lahat ng inaasahang istorya para sa homecoming at isang season opener sa pagitan ng magkaribal na koponan, hindi kasama sa listahan si Hayward.

Biglang nagbago ang season ng Boston Celtics pagkatapos ng pangyayaring ito.

Nabalian si Hayward, isa sa mga bagong Cel-tics na naghahangad na makalapit sa Cavaliers sa kanilang komperensya, ng kanyang left ankle halos limang minuto pa lamang sa kanyang debut.

Ang nakakagulat na injury ni Hayward ang sumapaw sa pagbabalik ni Kyrie Irving sa Cleveland.

Matapos mailabas ang 27-anyos na si Hayward sa Quicken Loans Arena sa pamamagitan ng isang stretcher ay nakabangon ang Celtics mula sa 16-point deficit sa halftime ngunit kinapos sa dulo ng laro.

“You hurt for him,” sabi ni Celtics coach Brad Stevens kay Hayward, ang dati niyang star sa Butler University. “It’s a tough, tough deal, but I guess that’s part of the risk of injury. I really feel for him.”

Si Hayward, pumirma ng four-year, $128 million free agent contract sa Celtics sa offseason ay nabangga ni LeBron James nang tangkaing saluhin ang isang alley-oop pass sa 6:45 minuto sa first quarter.

Sa pagbagsak ni Hayward ay sumaliwa ang kanyang kaliwang paa. Tiningnan ni Hayward ang kanyang paa at sumigaw habang namangha naman ang ibang players sa kanilang nakita.

“My thoughts and prayers go out to Gordon’s family. Hope for a speedy recovery, a healthy recovery,” sabi ni James kay Hayward. “Those are the injuries that you never see coming, you never want to happen, no matter who it is, no matter what the stature, no matter how much competitive nature that you have. It’s just very unfortunate.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with