Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Jaja makakasama uli ni Gorayeb

MANILA, Philippines — Maglalaro si Jaja Santiago sa koponan ni BaliPure coach Roger Gorayeb laban sa tropa ni Pocari Sweat coach Rico de Guzman sa 2017 Premier Volleyball League (PVL) All-Stars Game sa Oktubre 29 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Ito pa lang ang unang pagkakataon na makakasama ulit ni Gorayeb si 6’5 spiker Santiago simula nang umalis siya bilang head coach ng National University Lady Bulldogs.

Makakasama din ni Santiago ang mga manlalaro ni Gorayeb sa BaliPure Water Defenders na nagkampeon sa nakaraang PVL Open Conference sa pangunguna nina Aiko Urdas, Jasmine Nabor at Risa Sato na mga teammates din ni Santiago sa NU Lady Bulldogs.

Ang iba sa tropa ni Gorayeb ay sina Grethcel Soltones, Lizlee Ann Gata-Pantone, Jerrili Malabanan, Kathy Bersola at Jem Ferrer ng Banko-Perlas, Cesca Racraquin ng Creamline at San Beda Red Spikers, Iari Yongco ng Philippine Air Force at Diana Carlos ng University of the Philippines.

Makakaharap naman nila sina Myla Pablo, Elaine Kasilag, Gyzelle Sy, Jeanette Panaga at  Mel Go-hing ng Pocari Sweat Lady Warriors, Bea de Leon ng Ateneo Lady Eagles, Pau Soriano at Jia Morado ng Creamline, Suzanne Roces ng Banko-Perlas, Joy Ca-ses ng Philippine Air Force, Isa Molde ng University of the Philippines Lady Maroons at Jema Galanza ng Adamson Lady Falcons.

Mag-uumpisa ang laro sa alas-6 ng gabi at ipapalabas live sa ABS-CBN S+A Channel 23, ABS-CBN S+A HD Channel 166 at  via livestream.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Napili rin si Creamline Cool Smashers at Ateneo coach Tai Bundit bilang assistant coach ni Gorayeb at si Jasper Jimenez ng Air Force naman ang assistant ni De Guzman.

Ang mga fans ay magkaroon din ng tsansa na makita ang kanilang paboritong mga players sa autograph signing simula alas-1:30 ng hapon.  

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: