^

PM Sports

Meralco lalapit sa twice-to-beat

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang paglapit sa isang Top Four seat ang hangad ng Meralco habang target din ng Star na makakuha ng insentibo sa quarterfinal round.

Lalabanan ng Bolts ang talsik nang Globalport ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagsagupa ng Hotshots sa sibak nang Kia Picanto sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1, 2, 3 at 4 teams laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

At ito ang prayoridad ng Meralco sa pagharap sa Globalport.

“There’re still a lot of teams fighting for the twice-to-beat so we’d try to get more wins,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black matapos ang kanilang 106-78 paggiba sa talsik nang Alaska Aces noong nakaraang Biyernes.

Sa naturang panalo ng Meralco ay humakot si 2016 PBA Best Import Allen Durham ng 26 points 18 rebounds at 6 assists habang tumapos si rookie guard Mike Tolomia na may career-high na 24 points mula sa perpektong 6-of-6 shooting sa three-point line.

Para naman magkaroon ng tsansa sa Top Four ay kailangan ng Star na walisin ang kanilang huling dalawang laro laban sa Kia at NLEX sa Linggo.

“We need to win our remaining games, then ‘yong ibang teams matalo,” sabi ni Hotshots mentor Chito Victolero na manggagaling sa 99-104 kabiguan sa TNT Katropang Texters noong nakaraang Linggo kung saan ipinarada nila si import Kristofer Acox bilang kapalit ni Malcolm Hill.

“Wala na sa control namin, pero may chance pa if we take care of our end,” dagdag pa nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with