^

PM Sports

Phl team humakot ng 8-golds

Pang-masa
Phl team humakot ng 8-golds

Sina Ernie Gawilan at Gary Bejino na nanalo ng gold sa swimming kasama si PSC Commissioner Arnold Agustin. PARA Games photo

KUALA LUMPUR — Humakot ng tatlo sa walong gold medals ang chess para umangat sa ikalimang puwesto ng 9th ASEAN Para Games sa Hall 3 ng Malaysian International Trade and Exhibition Center dito.

Naka-draw si FIDE Master Sander Severino sa kanyang ikaanim at final round match laban kay Vietnamese Nguyen Anh Tuan para makopo ang individual gold sa standard play ng physically impaired sa kanyang 5.5 points, kalahating puntos ang lamang kay FM Maksum Firdaus ng Indonesia na tumalo sa kanyang kababayang si Azhar Panjaitan para sa silver.

Ang puntos ni Severino dagdag ang 3.5 points ni Henry Lopez, na nakipaghati rin sa puntos sa Vietnamese ding si Nguyen Van Quan, ang nagbigay sa Pinas ng kabuuang nine points kaparehas ng Indonesian pair nina Firdaus at Sutikno, na tumalo sa Pinoy na si Felix Aguilera para sa bronze. Ngunit ang Pinas ang may mas mataas na tiebreaker dahil sa highest individual score ni Severino para makopo ang team gold.

Nabigong makakuha ng individual gold sina Phl flag-bearer Menandro Redor at Arman Subastre ngunit sa kanilang pakikipagtulungan kay Israel Peligro ay nakuha nila ang team gold sa naipong 9.5 points para talunin ang Indonesia.

Sina Satrio at Redor, ang mga most bemedaled athlete ng Pinas noong 2015 Singapore edition, ay nagtapos na tabla sa five points ngunit ang una ang ginawaran ng gold via win-over-the-other tiebreak matapos talunin ang huli sa fourth round.

Sa Bukit Jalil National Stadium, nakopo naman ni Cielo Honasan ang century dash gold sa tiyempong 13.96 para sa kanyang ikalawang gold matapos ang panalo sa 200m noong Lunes ng gabi.

Nanalo rin ng gold si Prudencia Panaligan sa 100m for T52/53/54 sa kanyang tiyempong 18.32, para talunin ang Thailander at Vietnamese ng kalaban.

Sa kabuuan, ang Pinas ay mayroon nang 11 golds bukod pa sa 12 silvers at 11 bronzes para makaahon mula sa seventh place.

Nangunguna pa rin ang Indonesia sa kanilang 57-39-28 (gold-silver-bronze) collection kasunod ang host Malaysia na may 48-41-35 produksiyon.

Nauna nang kumopo ng gold si Ernie Gawilan sa 400m for S8 sa tiyempong 4:57.49 kasunod ng kanyang silver sa100m butterfly sa swimming competition.

Ang unang swimming gold ay galing kay Gary Bejino sa 400m freestyle for S7 sa oras na 5:33.81, kalahating minuto ang layo sa silver medallist  na si Kaweewat Sittichaiphonniti (6:02.26).

Ang isa pang gold ay galing kay Arthus Bucay mula sa men’s individual time trial for C5 sa kanyang oras na 17:44.186 dagdag sa kanyang dalawang silver mula sa one-kilometer track at 4000 individual pursuit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with