Humabol si Cruz sa Gilas
KUALA LUMPUR – Nagdiwang si Carl Bryan Cruz ng kanyang ika-26 kaarawan habang nasa eroplano mula Beirut papuntang Doha para makarating dito at samahan ang Gilas cadets sa kanilang kampanya sa 29th Southeast Asian Games.
Literal na nagtatakbo pagbaba ng eroplano si Cruz para makahabol sa Philippines-Myanmar game, kung saan umiskor ang Alaska Milk wingman ng 12 points bukod pa sa apat na rebounds sa 129-34 pa-nanalasa ng Gilas sa Burmese team sa MABA Stadium.
Pagkatapos ng laban, sumama si Cruz sa pagpapaalam aky Mac Belo na bumalik na ng Pinas para sa Blackwater sa PBA.
Malungkot ang lahat para kay Belo, nagkaroon ng insidente sa unang training camp ng Gilas sa Splendido Taal noong March kaya hindi siya nakasama sa FIBA Asia Cup at dito sa SEA Games.
“I’m sad for Mac especially as he’s my teammate at FEU,” sabi ni Cruz.
Dahil wala sa kondis-yon si Belo noong Jones Cup, nagdesisyon ang Gilas coaching na kunin si Cruz para sa FIBA Asia Cup imbes na si Belo.
Planong palitan si Cruz ni Belo sa SEAG roster pero hindi ito nangyari.
“Last call. It’s only after our last game in Lebanon that I was told I was flying to Kuala Lumpur. From the game, just an hour pre-paration and I left for the airport,” sabi ni Cruz. “I turned a year older in the sky. It was exciting and tiring. And I have to work hard right away, but it’s okay as it’s for the country.”
Samantala, umarangkada ang Gilas Cadets sa ikatlong yugto at tambakan ang host Malaysia, 98-66 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Pinangunahan nina Baser Amir, Kevin Ferrer at Keifer Ravena ang breakaway ng Pinoy Cagers para lumayo sa 72-54, mula sa 45-30 bentahe pagkatapos ng first half.
Nagkaroon pa ng kaunting kaguluhan sina Ferrer at isang Malaysian player dahilan sa pagka-ejected ni Carl Bryan Cruz ilang minuto pa lamang sa ikatlong yugto.
- Latest