^

PM Sports

Triathletes nagdeliber

Pang-masa

KUALA LUMPUR – Dinomina ng mga Pinoy ang triathlon events para umusad ang medal count ng team Philippines sa pagpapatuloy ng 29th Southeast Asian Games dito.

Gumawa ng 1-2 finishes ang mga Pinoy sa men’s at women’s division ng triathlon competition sa pangunguna nina Nikko Huelgas at Kim Mangrobang.

Nakataas ang dalawang daliri ni Huelgas, gold medalist noong 2015 Singapore SEAG, na tinawid ang finish line matapos ang isang oras, 59-minuto at 21-segundo para sa matagumpay na pagdedepensa ng kanyang titulo s a men’s division.

Nakuha ng kanyang teammate na si John Chicano sa tiyempong 2:01:26 para sa gold-silver medal performance ng mga Pinoy.

Ganito rin ang nangyari sa women’s division na pinangunahan ni Mangrobang sa kanyang tiyempong 2:11:14 para sa gold medal kasunod ang 2015 SEA Games’ gold-medal winner na si Ma. Claire Adorna na may oras na 2:18:58.

Ikinagalak ng Chef de Mission na si Cynthia Carrion ang kaganapang ito lalo na’t nangyari ito sa araw mismo ng kanyang kaarawan.

Nakakuha rin ang Pinas ng silver medal sa wushu mula kay Agatha Wong na umiskor ng 9. sa women’s optional taijian at sa fencing mula kay Samantha Catantan  sa women’s individual foil event ng fencing competition kung saan may silver din si Maxine Esteban.

Nag-ambag din ang Team Philippines ng bronze medal ang sepak takraw squad nina Rizalyn Amolacion, Mary Ann Lopez, Jean Marie Sucalit, Kristel Karloman at Lhaina Lhiell Mangubat, na nanalo sa Indonesia sa women’s regu event.

Patuloy namang naging mailap ang gold medal sa mga Filipino na nakuntento lamang sa bronze medals sa men’s at women’s team recurve events sa National Sports Center Synthetic Turf Field.

Hindi umubra sina Florante Matan, Gabriel Moreno at Mark Javier sa paboritong Malaysia sa semifinals 0-6 (54-57, 53-58, 49-52). Pinagbuntunan ng mga Pinoy archers ang Vietnam, 6-0, (50-49, 55-54, 54-53) para sa men’s team bronze.

Bigo naman sina Nicole Marie Tagle, Mary Queen Ybanez at Kareel Meer Hongitan sa Indonesia, 2-6, (50-52. 55-54, 54-56, 52-55) sa semis bago blinangko ang Vietnam  6-0, (51-44, 50-47, 55-47) para sa women’s team bronze.

Sa kabuuan, ang Pinas ay mayroon nang tatlong gold, anim na silver at anim na bronze medals as of 7 p.m. kahapon para umangat sa sixth place mula sa seventh place.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with