^

PM Sports

4 koponan mag-aagawan sa unang panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang magtatangkang mailista ang kanilang mga unang panalo sa 2017 PBA Governor’s Cup.

Gagawin ng TNT Katropa ang kanilang unang laro laban sa minamalas na Kia ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang salpukan ng Star at Alaska sa alas-7 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang unang pagsalang ng Tropang Texters matapos sibakin ng nagharing San Miguel Beermen sa kanilang best-of-seven championship series sa nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Ipaparada ng TNT Katropa sina import Michael Craig, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo, Troy Rosario, Moala Tautuaa, Ryan Reyes at rookie RR Pogoy.

Magpipilit naman ang Picanto na makabangon mula sa kanilang 105-118 laban sa Phoenix Fuel Masters at sa 93-100 pag-yukod sa NLEX Road Warriors.

Samantala, matapos naman ang kanilang 103-86 paggiba sa Blackwater Elite noong nakaraang Linggo ay pinauwi ng Hotshots si import Cinmeon Bowers at ipinalit si Malcolm Hill.

Nagsalansan si Bo-wers ng 15 points, 8 rebounds at 5 assists para sa una at huli niyang laro sa Star.

Naglaro naman ang 21-anyos na si Hill ng apat na seasons para sa Illinois kung saan siya nagtala ng mga averages na 13.5 points, 4.7 rebounds at 2.1 assists

Hindi nakuha si Hill sa nakaraang 2017 NBA Draft.

Si Hill ay makakatulong sa Hotshots nina Mark Barroca, Allein Maliksi, Ian Sangalang, Rafi Reavis at rookie guard Jio Jalalon. (RCadayona)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with