^

PM Sports

Cruz pasok sa Gilas

Nelson Beltran - Pang-masa
Cruz pasok sa Gilas

Carl Bryan Cruz

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging walk-in para sa 2015 FEU champion team, nakapasok ngayon si Carl Bryan Cruz sa elite Gilas Pilipinas team na kakampanya sa 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut sa Aug. 8-20.

Ang 25-anyos na si Cruz ang naging ‘surprise entry’ sa Final 12 na pinili ng Gilas coaching staff matapos ang maganda niyang ipinakita sa nakaraang Jones Cup.

Sina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Terrence Romeo ng GlobalPort, Jio Jalalon ng Star, Matthew Wright ng Phoenix, Calvin Abueva ng Alaska, Raymond Almazan ng Rain or Shine at sina Jayson Castro at RR Pogoy ng TNT Katropa ay mga holdovers mula sa SEABA team.

Sa kanyang Instagram account ay nagpahayag naman ng apology si naturalized player Andray Blatche dahil sa hindi niya pagsama sa Gilas sa Lebanon meet.

“I will always be very thankful for the opportunity, the love, and the support I have received from my Filipino family, but it’s a lot of reason why I can’t join and I don’t expect for many people to understand,” wika ni Blatche. “But I do wish my brothers the best of luck.”

Si Fil-German Christian Standhardinger ang papalit kay Blatche habang magbabalik naman sa koponan si Gabe Norwood ng Rain or Shine.

Nauna nang sinabi ni Reyes na isasama niya si Norwood sa pagkampanya ng Gilas sa FIBA Asia Cup matapos siyang ibilang sa 24-man roster.

Sasaluhin naman ni Cruz ang nabakanteng puwesto ni shooter Allein Maliksi, inilaglag dahil sa one-player-per-team policy ng PBA para sa pagpapahiram ng mga players para sa Gilas.

Ang mga koponang pumayag na magpahiram ng dalawang players ay ang TNT KaTropa, Rain or Shine at Alaska Milk.

Wala pang inilalabas ang Gilas na official statement, ngunit inaasahang maglalaro din sina Standhardinger at Cruz sa SEA Games sa Kuala Lumpur.

Kung aabante ang Gilas sa Asia Cup Final Four ay hindi makaka-laro sina Standhardinger at Cruz sa opening game ng Nationals sa SEAG laban sa Thailand sa Aug. 20 – ang closing day ng Lebanon meet kung saan paglalabanan ang gold at bronze medal.

Kasama nina Standhardinger at Cruz sa SEAG lineup sina Troy Rosario, Baser Amer, Almond Vosotros, Kevin Ferrer, Kiefer Ravena, Ray Ray Parks, Mike Tolomia, Von Pessumal, Raymar Jose at Kobe Paras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with