^

PM Sports

Gilas bigo sa Lithuania

Cecille Suerte Felipe - Pang-masa

TAIPEI -- Bukod sa kanilang height advantage ay maganda din ang naging outside shooting ng mga Lithuanians laban sa Nationals.

Nagsalpak ang Lithuania ng kabuuang 14 three-point shots, kasama dito ang pitong tres sa kanilang pagkalas sa se-cond period para talunin ang Gilas Pilipinas, 91-80 sa 39th Jones Cup kahapon dito sa Taipei Peace Basketball Gymnasium.

Humataw ang mga Lithuanians ng 33 points sa kabuuan ng second period kumpara sa 19 ng Nationals para ilista ang  55-36 abante sa halftime patungo sa pagpoposte ng 70-50 kalamangan sa third quarter.

Mula dito ay hindi na nakadikit ang Gilas, nalasap ang kanilang pangatlong kabiguan sa pitong laro sa nasabing nine-day tournament kung saan ang koponang magtatapos na may best record ang tatanghaling kampeon.

Ipinoste naman ng Lithuania ang ikaanim na panalo para sa kanilang 6-1 kartada kasosyo sa liderato ang Canada (6-1) kasunod ang South Korea (5-3).

Pinangunahan nina import Mike Myers at Kiefer Ravena ang Nationals mula sa kanilang tig-14 points kasunod ang tig-13 markers nina RR Pogoy at Matthew Wright.

Nakatakdang sagupain ng Gilas ang India (0-7) ngayong ala-1 ng hapon kasunod ang pagharap sa Iran (3-3) bukas ng alas-5 para sa kanilang huling laro sa torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with