^

PM Sports

KO ang ine-expect ni Fortune

Abac Cordero - Pang-masa
KO ang ine-expect ni Fortune

Nasa larawan si Manny Pacquiao na binigyan ng military honor bago sumakay ng eroplano patungong Australia para sa kanyang laban kay Jeff Horn. Philboxing.com photo

GENERAL SANTOS CITY, Philippines - Inaasahan ni Justine Fortune, ang Australian strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao, na makakita ng isang mabilis na knockout sa Brisbane sa July 2.

Sinabi ni Fortune sa mga reporters kahapon na ang isang knockout win laban kay Jeff Horn sa Suncorp Stadium ay kailangang-kailangan ni Pacquiao.

“He has to. He has no choice,” wika ni Fortune sa 38-anyos na si Pacquiao, idedepensa ang kanyang hawak na WBO welterweight crown sa harap ng 55,000 fans sa Brisbane.

Pipilitin din ni Pacquiao na buhayin ang kanyang bumubulusok na reputasyon bilang isa sa mga boxing superstar.

“If he knocks this guy out the future opens up for him,” sabi ni Fortune, kagaya ng milyun-milyong fans ni Pacquiao ay gusto ring makakita ng isang knockout win.

“This is the perfect guy to destroy,” ani Fortune, dating heavyweight contender na minsang nakasagupa si Lennox Lewis.

Kung mapapatumba ni Pacquiao si Horn ay ma-lakas ang tsansang makaharap niya si rising star Te-rence Crawford bago matapos ang taon o ang dream rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Sa pagsagupa kay Horn ay tatanggap si Pacquiao ng $10 milyon na mas mababa sa kanyang mga naunang kinita. Ngunit kailangan niya ng knockout victory para muling makakuha ng malaking premyo.

“If this goes twelve rounds it’s bad for him (Pacquiao) and good for Horn,” dagdag n Fortune kasabay ng paghahanda ni Pacquiao at ng kanyang malaking grupo sa pagsakay sa Air Asia jumbo jet para sa isang seven-hour flight patungong Brisbane.

Maraming iisipin si Pacquio sa kanyang pag-ak-yat sa ring laban kay Horn.

Isa na rito ay kung paano niya maibabalik ang dati niyang tikas kung saan huli siyang nakapagtala ng KO win ay noong 2009.

Kumpiyansa si George Kambosos, ang sparring partner ni Pacquiao mula sa Australia na mapapatumba ng Filipino senator si Horn sa loob ng “six rounds.”

Ito ang unang pagkakataon matapos noong 2005 na hindi isasaere nang live ang isang laban ni Pacquiao sa pay-per-view.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with