^

PM Sports

Walang koponang nakapigil sa Cleveland at Golden State

Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos isang taon na ang nakakalipas nang isalpak ni Kyrie Irving ang kanyang step-back shot laban kay Stephen Curry at lumundag at umiyak si LeBron James para sa pagwawakas ng pagkauhaw ng Cleveland sa isang major sporting championship. Muli silang maghaharap para sa 2017 NBA Finals.

Sa boxing context, maikukumpara ang bakbakan ng Cavaliers at Warriors bilang ‘Thrilla in Manila’ kung saan nagbugbugan sina Muhammad Ali at Joe Frazier.

Inamin ni Ali na ang laban niya kay Frazier ang pinakamalapit na karanasan niya sa kamatayan.

Walang nakapigil sa muling pagtutuos ng Cavaliers at Warriors sa ikatlong sunod na NBA Finals series.

Hindi ang Celtics, Rockets, Raptors, Spurs, Wizards, Clippers o Jazz.

Dinomina ng Warriors ang Western Conference para itala ang 12-0 record. Nakatulog naman ang Cavaliers sa Game 3 bago tinapos ang Boston sa Game Five para sa kanilang 12-1 baraha sa Eastern Conference.

“This is the greatest talent differential, to me, in NBA history,” sabi ni dating NBA coach at kasalukuyang broadcaster na si Jeff Van Gundy.

Wala pang dalawang koponang nagdomina sa NBA history kagaya ng ginawa ng Golden State at Cleveland.

Sa panahon nina Larry Bird at Magic Johnson noong 1980s, tatlong beses lang naglaban sa NBA Finals ang Celtics at Lakers.

Sa paglipad ni Michael Jordan noong 1990s para sa “three-peat” ng Chicago Bulls ay tinalo nila  sina  Magic, Clyde Drexler, Charles Barkley, Gary Payton, John Stockton at Karl Malone sa West.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with