^

PM Sports

Pacquiao binigyan ng ‘bonus’ si Melindo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinamantala na ni bagong world light flyweight king Milan ‘El Metodico’ Melindo ang pagkakataon habang nasa Maynila pa siya.

Bago umuwi ng Cebu ay binisita ni Melindo, ang bagong International Boxing Federation light flyweight world titlist si Filipino world eight-divi-sion champion Manny Pacquiao sa Elorde Gym sa may Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Biyernes ng gabi.

Ikinuwento ni Melin-do ang ginawa niyang pagpapabagsak kay da-ting Japanese title-holder Akira Yaegashi noong nakaarang Linggo sa Tokyo, Japan.

Dahil sa sobrang kasi-yahan ni Pacquiao ay bi-nigyan niya ng ‘bonus’ ang 29-anyos na tubong Cagayan De Oro City.

Sinabi ni Melindo na saglit siyang magpapahi-nga bago muling sumabak sa ensayo.

Plano ni Melindo na lumaban sa isang unfication championship fight.

“Mas maganda ‘yung unification para sa ibang belt.” sabi ni Melindo. “Kung IBF ka ngayon, ta-pos lalaban ka sa WBO, may dalawang belt ka na kaagad.”

Kasalukuyan namang naghahanda si Pacquiao para sa pagdedepensa sa kanyang suot na World Boxing Organization welterweight title laban kay Australian challenger Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Ito ang unang title defense ni Pacquiao sa WBO crown na kanyang inagaw kay Jessie Vargas noong nakaarang Nob-yembre sa comeback fight niya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with