^

PM Sports

NU, FEU sa 4-way tie

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbunga ng fourway tie ang magkahiwalay na panalo ng National University at Far Eastern Uni-versity kahapon sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon.

Nakabawi ang National University sa kanilang dalawang magkasunod na pagkatalo nang giyangin ang University of Sto. Tomas, 75-68 sa unang laro.

Ginamit ng Bulldogs ang kanilang 69-44 na kalamangan na kanilang naitala sa dulo ng third quarter matapos makaiskor lamang ng anim na puntos sa huling quarter, upang makaligtas sa 18-6 run na pinakawalan ng Tigers sa third quarter.

“It was an ugly fourth quarter for us, for some reason we lost our aggresiveness we were tentative,” pahayag ni NU coach Eric Altamirano. “As a young team we need to learn to finish games.”

Nagtala ng 16 na puntos at 6 na rebound si Bulldogs playmaker Jay-Jay Alejandro, habang nag-ambag naman ng double-double na 14 na puntos at 10 rebound ang transferee mula La Salle na si Matt Salem upang maitala ang kanilang ikatlong panalo sa limang laro at makisalo sa four-way-tie sa se-cond place kasama ang Ateneo, Adamson at FEU.

Sa unang laro, naitala ng defending champions Far Eastern University ang kanilang unang winning streak ngayong season nang talunin ang UP sa iskor na 51-49.

Ang huling hirit ng Maroons ay nang dumikit sa 49-50 kasunod ng isang basket mula kay Javee Gomez de Liano may natitira pang 6.9 segundo sa laro.

Naitaas ni Joe Trinidad ang lamang ng FEU sa dalawa kasunod ng kanyang split free throws sa natitirang 4.1 segundo bago nagmintis ang dapat winning triple ni Dave Moralde para sa UP.

Umiskor ng 14 na puntos si  Monbert Arong para pangunahan ang Tamaraws  na nakatabla sa ikalawang puwesto sa Adamson University at Ateneo taglay ang kartadang 3-2, habang sumadsad naman sa 1-4 ang record ng Maroons.

Tumapos naman ng may 17 puntos si Louie Vigil para sa UST, na nahulog sa sixth place taglay ang 2-3 record. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with