Beermen semis na
LARO NGAYON
(Ynares Center,
Antipolo City)
QUARTERFINALS
3 p.m. Mahindra
vs Meralco
5:15 p.m. TNT Katropa
vs Phoenix
MANILA, Philippines - Dumaan muna sa butas ng karayom ang nagdedepensang San Miguel bago naibulsa ang unang semifinals berth.
Nabitawan ng Beermen ang itinayong 17-point lead sa second quarter bago nalampa-san ang determinadong NLEX Road Warriors, 114-110 sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Bilang No. 2 team ay magbibitbit ang Beermen, nakahugot kay import Elijah Millsap ng 39 points, 11 rebounds at 3 assists, ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 7 na NLEX.
“This is a good lesson for us. We will not win a championship if we’ll not improve our defense,” sabi ni head coach Leo Austria.
Lalabanan ng Beermen ang mananalo sa quarterfinals match ng No. 3 Ginebra at No. 6 Alaska, naglalaro pa habang isinusulat ito, sa best-of-five semifinals series.
Umabante ang Road Warriors sa 63-46 bago bumangon ang Road Warriors para makatabla sa 86-86 sa 10:01 minuto ng fourth period.
Ganap na naagaw ng NLEX ang kalamangan sa 89-88 matapos ang triple ni Jonas Villanueva sa 9:16 minuto nito bago muling nakuha ng San Miguel ang 94-91 bentahe patungo sa paglayo sa 112-105 sa natitirang 22.3 segundo galing sa dalawang free throws ni Alex Cabagnot.
Binanderahan ni import Henry Walker ang Road Warriors sa kanyang game-high na 45 points kasunod ang 17 ni Jonas Villanueva at tig-13 nina Asi Taulava at Garvo Lanete.
Samantala, hangad naman ng No. 1 TNT Katropa at No. 4 Meralco na maitakda ang kanilang semifinals showdown sa pagharap sa No. 8 Phoenix at No. 5 Mahindra, ayon sa pagkakasunod.
Bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage, lalabanan ng Tropang Texters ang Fuel Masters ngayong alas-5:15 ng hapon matapos ang upakan ng Bolts at Enforcers sa alas-3 sa kanilang mga quarterfinals matches sa Ynares Center sa Antipolo City.
- Latest