^

PM Sports

TNT Katropa ayaw paiwan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t hindi naglaro ang mga may injury na sina Matt Ganuelas-Rosser, Troy Rosario at Kelly Williams ay nagawa pa rin ng TNT Katropa na talunin ang Meralco, 98-95 noong Hulyo 23.

Bukod kay Jayson Castro, nakahugot din si coach Jong Uichico ng mala-king produksyon kay Fil-Am guard Kris Rosales na umiskor ng 13 points para sa panalo ng Tropang Texters sa Bolts.

“Kris has been a good reliever for Jayson,” wika ni Uichico kay Rosales, naglaro sa Asean Basketball League (ABL). “He does his role, he doesn’t do anything fancy. He just plays the game.”

Target ang kanilang ikatlong sunod na panalo para makasosyo sa liderato, lalabanan ng TNT Katropa ang Alaska ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Rain or Shine at Blackwater sa alas-4:15 ng hapon sa 2016 PBA Governor’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Maglalaro naman ang Aces na wala si small forward Calvin Abueva, napatawan ng one-game suspension at mul-tang P22,000 dahil sa pagsiko sa mukha ni Chris Ellis sa kanilang nakaraang panalo sa Ginebra Gin Kings.

“I don’t know that there’s any game that Calvin plays where you don’t feel his presence. You’re gonna feel his presence for sure,” sabi ni mentor Alex Compton kay Abueva.

Sa nasabing 109-100 panalo ng Alaska sa Ginebra ay umiskor si Abueva ng 12 points.

Sa unang laro, target naman ng Elasto Painters at Elite ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos makabangon mula sa una nilang kabiguan.

Umiskor ang Rain or Shine ng 106-89 panalo laban sa Phoenix noong Hul-yo 23, samantalang ginitla ng Blackwater ang Star, 100-98 noong Hulyo 22.

                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with