^

PM Sports

6 Philippine athletes nasa Rio na

Abac Cordero - Pang-masa

RIO DE JANEIRO – Dumating na dito ang mga miyembro ng Philippine delegation, kasama ang anim sa 12 atletang maglalaro sa Rio Olympics, mula sa makabaling-likod na biyahe galing sa Manila.

Pinangunahan ni flag-bearer Ian Lariba ng table tennis ang maliit na grupo ng mga Pinoy athletes matapos ang eight-hour flight galing sa Manila patungo sa Dubai, isang three-hour stopover at 14-hour trip papuntang Rio para sa kabuuang 25-oras na biyahe na maaaring makapagpahilo sa isang ordinaryong pasahero.

Bukod kay Lariba ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Elaine Alora ng taekwondo, Jessie Khing Lacuna ng swimming, Marestella Torres ng track and field at sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ng weightlifting.

Ito ang pangatlong sunod na Olympics nina Diaz at Torres, habang nasa kanyang ikalawa naman si Lacuna.

Ang iba pang Filipino qualifiers na darating sa Rio sa mga susunod na araw ay sina boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, nagsasanay sa United States; runner Eric Cray, nasa Houston; swimmer Jasmine Alkhaldi, magmumula sa Hawaii; marathoner Mary Joy Tabal, kasalukuyang nasa Japan; at golfer Miguel Tabuena, naglalaro pa sa King’s Cup sa Thailand.

Ang unang grupo ng mga atleta ay sinamahan nina Chef-de-mission Jose Romasanta at Philippine Olympic Committee official Col. Jeff Tamayo, team physician Dr. Ferninand Brawner at dating SEA Games taekwondo king Kitoy Cruz.

Mula sa airport ay nakasama ng mga Pinoy ang mga delegado ng Malaysia, Hong Kong at Uganda sa isang one-hour bus ride papunta sa Athletes Village, isang koleksyon ng mga high-rise condominiums na ang mga units ay maaaring magkasya ang pito hanggang walong tao.

Ngayon pa lamang ay nakikita na ang mababang kalidad ng pagkakagawa sa Athletes Village kung saan may mga tumutulong tubo ng tubig, mahinang tubig at maliit na kama.

Ang delegasyon ay nasa 11th floor ng Building 2.

Sinabi ni Romasanta na ang naturang mga isyu ay inaasahang tatalakayin sa DRM (delegations registration meeting) at sa hanay ng mga CDMs (chef-de-mission) ng 206 participating countries.

“The organizers will hear it from some delegates,” wika ni Romasanta.

Nagpakuha sa Olympic logo sina Marestella Torres, Hidilyn Diaz, Kirstie Elaine Alora at Nestor Colonia. Abac Cordero

Paglabas ng airport ay ramdam na ang mahigpit na seguridad sa pangunahing kalsada at makikita ang mga military personnel na nakasuot ng fatigue uniforms at kargado ng matataas na kalibre ng baril.

Nagkalat din ang mga pulis para sa Aug. 5 opening ng Summer Games na nahaharap sa problema sa seguridad at kinatatakutang Zika virus.

Unang sasalang pagkatapos ng opening ceremony  ay sina Lariba, Ladon, Suarez at Lacuna.

Inaasahang kaagad magsisimula ng kanilang ensayo ang mga Filipino athletes. “We will train tomorrow,” sabi ni Alora.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with