^

PM Sports

Tri-Active Spikers nalo sa Standard Ins.-Navy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng defending champion Petron ang preliminaries sa pamamagitan ng 25-16, 25-18, 25-19 panalo laban sa Standard Insurance-Navy sa 2016 Philippine Superliga women’s volleyball All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan.

Pinangunahan ni skipper Aiza Maizo-Pontillas ang Tri-Active Spikers sa pagtatala ng 15 points  para sa kanilang ikalimang panalo matapos ang kabuuang pitong laro at makapuwesto sa top-four.

Nagdagdag naman si Maica Morada ng 13, habang sina Remy Palma, Bernadeth Pons at Ces Molina ay may tig-9 markers.

Nalasap naman ng Standard Insurance ang kanilang ikalawang talo sa 7-laro.

Sapat na ito para matakpan ng Petron ang pagkatalong nalasap sa RC Cola-Army at F2 Logistics, parehong may 6-0 records at naglalaban pa as of presstime.

Makakaharap ng Petron ang RC Cola Army, F2 Logistics at Foton sa susunod na round para sa isa na namang round robin para malaman ang kanilang placing para sa semifinals seeding.

Hindi naman binigyan ng pagkakataon ng Cignal ang Amy’s Kitchen na maka-recover tungo sa kumbinsidong 25-21, 25-12, 25-21, sa unang laro.

Nagtala si Jeannette Panaga ng College of St. Benilde na best blocker sa NCAA, ng 12 hits sa kanyang 18 points at sinuportahan ni Cherry May Vivas na may 10 points para sa DH Spi-kers  ng ikalawang panalo sa pitong laro.

Bagamat nanalo, sasamahan ng Cignal Ang kanilang biktimang Amy’s, Generika at Standard Insurance Navy sa Group B para sa second round ng classification phase na isa na namang round robin para sa placings.

“Kahit nanalo kami hindi ako satisfied kasi as I said before, ‘yung ipinapakita nila sa ensayo hindi ganoon kaganda sa actual game,”  sabi ni veteran coach Sammy Acaylar.

“Maybe there’s something wrong psychologically with my players kasi napapansin ko sa kanila na kapag nauunahan biglang nada-down. Hindi nila alam kung paano i-recover ang sarili nila,” dagdag pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with