^

PM Sports

May pag-asa si Abueva

Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines – Determinado ang Alaska Milk workhorse na si Calvin Abueva na makopo ang PBA individual award na  ‘di niya makuha-kuha sa kanyang unang apat na taon sa liga.

Bilang tanging official candidate na malayo ang narating sa playoff phase ng mid-season tourney, may tsansa si Abueva na manalo ng PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference award.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakikipaglaban ang Alaska Aces ni Abueva sa Meralco Bolts para sa karapatang harapin ang Rain or Shine Elasto Painters sa finals.

Sa pagtatapos ng Commissioner’s Cup Final Four, ang dating San Sebastian stalwart ay maaaring manguna sa statistical race.

Angat lang ng kaunti si Greg Slaughter (34.2)  kay Abueva (33.1) pagkatapos ng quarterfinals kasunod si Terrence Romeo (33.0) Jayson Castro (29.8) at tabla sa fifth place sina Carlo Lastimosa (28.5) at June Mar Fajardo (28.5).

Nabigo si Slaughter na dalhin ang Barangay Ginebra sa semifinals gayundin si Castro sa Tropang TNT habang sina Romeo at Lastimosa ay hanggang elimination round lang.

Nagtangkang maghabol si Fajardo, ang Philippine Cup BPC winner, sa stats race sa eliminations ngunit nalimitahan ni ROS import Pierre Henderson-Niles sa quarterfinals.

Pero naging consistent si Abueva sa pagdadala ng Alaska sa buong tournament  at lalo pang lumakas nang ma-injured si Vic Manuel.

Ang 2014 FIBA World Cup veteran ay umiskor ng double figures  sa lahat ng kanilang laro sa elims. At patungo sa Game Five ng semis playoff laban sa Meralco, nag-a-average si Abueva ng 18.0 points, 7.6 rebounds, 2.7 assists at 1.3 steals.

Sapul nang pumasok sa PBA bilang 2012 second draft pick sa likod ni Fajardo, laging lumalaban si Abueva sa stats races. Nanalo siya bilang Rookie of the Year noong 2013 at dalawang beses na rin siyang napasama sa Mythical Selection pero di pa siya nana-nalo ng Best Player of the Conference award.

Para sa Best Import, si San Miguel import Tyler Wilkerson na sana ang  siguradong panalo kungdi lamang siya  sinibak noong Game Three ng SMB-ROS Final Four faceoff. Mahigpit ang labanan ngayon nina Meralco import Arinze Onuaku, Niles  ng Rain or Shine at   Rob Dozier ng Alaska.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with