^

PM Sports

Warriors nakalusot

Pang-masa

OAKLAND, California – Nagtala ng kahanga-hangang comeback win ang defending champion Golden State Warriors kahit wala ang MVP na si Stephen Curry.

Sa susunod na laro, maaaring kasama na nila si Curry.

Umiskor si Klay Thompson ng 27-puntos kasama ang kanyang tres na nagbigay sa Golden State ng kanilang unang kalamangan sa laro, 5:33 minuto na lang ang nalalabing oras sa laro upang igupo ang Portland Trail Blazers, 110-99 nitong Martes na nagbigay sa Warriors ng 2-0 kalamangan sa kanilang Western   Conference semifinal series.

“It started with how focused we were in that fourth,” sabi ni Thompson. “We’ve been down and out before. ... We were just locked in on both sides of the ball. We can build on this game. That effort there in the fourth quarter is what it’s going to take to beat this team.”

Nagdagdag si Draymond Green ng 17 points, 14 rebounds, seven assists at four blocked shots  sa isa na namang panalo ng Warriors kahit wala si Curry na may na-sprain na MCL  sa kanang  tuhod kaya tumulong na lang sa pagko-coach.

Ang Game 3 ay nitong Sabado sa Portland kung saan ay inaasahang lalaro na si Curry.

Ang tres ni Thompson sa huling 6:44 minuto ang nagtabla ng iskor na naging sanhi ng hiyawan ng punung-punong Oracle Arena  matapos makabangon ang defending champions mula sa 17-point deficit.

Sa Toronto, nagtala si Goran Dragic ng 26 points, kinamada naman ni Dwyane Wade ang pito sa kanyang 24-puntos sa overtime matapos ang halfcourt shot ni  Kyle Lowry na nagtabla ng score pagtunog ng final buzzer upang igupo ng Miami Heat ang Toronto Raptors, 102-96 sa Game 1 ng kanilang Eastern Conference semifinal series.

“We had to win the game twice tonight,” sabi ni Wade.

Umiskor si Joe Johnson ng 16 points habang may 11 si Josh Richardson.  Si Hassan Whiteside ay may17 rebounds naman para sa Heat.

Ang napakahirap na three pointer ni Lowry sa halfcourt line ang tumapos ng  six-point comeback ng Toronto sa huling 20 segundo ng regulation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with