^

PM Sports

Far Eastern, National U may patutunayan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang patunayan ng FEU Tamaraws at National University Bulldogs na ang UAAP ay hindi lamang liga para sa Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers.

Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1992 ay walang Eagles at Archers na nasa Finals dahilan upang magkaroon ng pangamba ang iba na baka hindi tauhin ang best-of-three championship series.

Nasibak ang Ateneo at La Salle sa dalawang Final Four knockout games noong Miyerkules at ang No. 1 team na Ateneo ay pinagpahinga ng Bulldogs, 65-63, habang ang nagdedepensang kam-peong Archers ay sinibak ng Tamaraws, 67-64.

“I think this is the best thing that ever happened to the UAAP, FEU and NU in the Finals,” wika ni Racela.

Tinuran niya na ang nag-uumapaw na Smart Araneta Coliseum ay hindi dahil lamang sa manonood ng dalawang premyadong koponan sa liga kungdi dahil din sa mga panatiko ng FEU at NU.

“Hindi lang naman ang Ateneo at La Salle ang makakapagdala niyan (crowd). Just like we have witness today, NU can bring the crown, FEU could bring the crowd,” dagdag nito.

Hindi rin patatalo ang aksyon ng dalawang koponan kapag nagsimula na ang tagisan para sa titulo dahil parehong uhaw sa kampeonato ang mag-kabilang panig.

Noon pang 1970 huling umabante sa semis ang NU at ang una at huling kampeonato ay nangyari noon pang 1954 habang noong 2005 huling nagdiwang ang kampo ng Far Eastern.

Nakataya sa bataan ni coach Nash Racela ang ika-20 kampeonato sa men’s basketball para layuan pa ang UST at UE na magkasalo sa pangalawang puwesto sa tig-18 titulo.

 

vuukle comment

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

FAR EASTERN

FINAL FOUR

LA SALLE

LA SALLE GREEN ARCHERS

NASH RACELA

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SMART ARANETA COLISEUM

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with