^

PM Sports

Mayweather hindi raw umiiwas kay Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling tinalo ni Floyd Mayweather si Marcos Maidana sa kanilang rematch noong Linggo at binigyan ang sarili ng passing grade at sinabi sa gitna ng ring na hindi siya natatakot kay Manny Pacquiao.

Kagaya ng inaasahan, naging mautak si Mayweather kumpara kay Maidana at naipanalo ang tatlong scorecards.

Ilang beses siyang tinamaan at nakagat sa kamay ngunit nanalo pa rin siya sa huli.

Itinaas ng 37-anyos na American ang kanyang record sa 47-0 at may dalawang laban pang natitira sa kanyang $200 million contract sa Showtime.

Maaaring nauubusan na siya ng panahon para labanan si Pacquiao.

Sa post-fight interview ay sinagot ni Mayweather kung makakalaban ba niya si Pacquiao sa loob ng ring.

“I’m going back to my team and see what we can assess and see what the future holds for Floyd Mayweather,” sagot niya.

Sa una ay tila iniwasan niya ang tanong.

“I’m ducking no opponent,” pagpapatuloy niya kasabay ng sigawan ng mga fans.

Maaaring maitatak kay Mayweather, sinasabing ang pinakamahusay na boksingero sa mundo kagaya ng nakasulat sa kanyang baseball cap na TBE (The Best Ever), ang boksingerong iniwasang labanan si Pacquiao.

Apat na beses nilabanan ni Juan Manuel Marquez si Pacquiao, tatlo si Erik Morales at dalawa si Marco Antonio Barrera.

Ito ay ang mga legendary Mexican fighters na sinagupa si Pacquiao.

Ang iba pang kampeon na humarap kay Pacquiao ay sina Miguel Cotto, Antonio Margarito, Shane Mosley, Ricky Hatton at Oscar De La Hoya.

Ilang beses nang bumagsak ang negosasyon para sa kanilang laban ni Mayweather.

“If the Manny Pacquiao fight presents itself let’s make it happen,” wika ni Mayweather, sinasabing muling lalaban sa Mayo ng susunod na taon.

Nauna na niyang sinabi na may sorpresa siya sa May 2015.

At umaasa ang mga fight fans na ito ay ang laban kay Pacquiao.

“I don’t know who I’m fighting in May but I expect to fight in May,” wika ni Mayweather.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si undefeated Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa Macau, China.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BEST EVER

CHRIS ALGIERI

ERIK MORALES

FLOYD MAYWEATHER

IF THE MANNY PACQUIAO

ILANG

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with