^

PM Sports

Lillard humingi ng paumanhin sa mga fans

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginamit ni Portland Trail Blazers guard Damian Lillard ang social me­dia para humingi ng pa­umanhin sa kanilang mga Filipino fans dahil sa pagkakakansela ng Last Home Stand sa Smart Ara­neta Coliseum.

Sa kanyang Twitter account na @Dame_Lillard, sinabi ng NBA Rookie of the Year na wala sa ka­nilang kontrol ang nang­ya­ri.

Sinabihan ng isang fan sa Twitter na “disappointment is an understatement,” sumagot naman si Lil­lard ng: “Sorry, it was beyond our control.”

Inaasahan ng mga Filipino fans na makakalaro ni Lillard kasama sina James Harden, Kawhi Leo­nard at Tyson Chand­ler ang Gilas Pilipinas pa­ra sa two-day charity game sa Big Dome.

Ngunit noong Martes ng gabi ay workout lamang ang ginawa ng dalawang koponan kasunod ang pagkansela sa serye.

Sa isang tagpo ay inagawan ni Lillard ng bola si Gilas Pilipinas’ point guard Jimmy Alapag ka­su­nod ang pagsalpak ng isang three-point shot.

Ang sumunod ay ang pa­hayag ni coach Chot Re­­­yes na isang workout la­­mang ang magaganap.

vuukle comment

BIG DOME

CHOT RE

DAMIAN LILLARD

GILAS PILIPINAS

JAMES HARDEN

JIMMY ALAPAG

KAWHI LEO

LAST HOME STAND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with