^

PM Sports

Lady Bulldogs susubukan ang tibay ng Lady Agilas

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpletuhin ang do­minasyon sa group elimination ang balak ng nagdedepensang kampeon Na­tional University Lady Bulldogs sa pagbangga sa mainit na Davao Agilas sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon masasaksihan ang tagisan ng dalawang wa­lang talong koponan sa Group B at kasunod ni­to ang pang alas-4 na tipanan ng UAAP titlist Ateneo Lady Eagles at tal­sik nang St. Louis Lady Navigators.

Kumpleto na ang apat na koponan sa Group A na aabante sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at ang pinal na puwesto na lamang ang pinaglalabanan.

Nasa ikalawang pu­wes­to kasalo ang Adamson La­dy Falcons ang La­dy Eagles at kung mananalo sila sa wala pang panalong Lady Navigators ay mapapantayan nila sa unahan ang Arellano La­dy Chiefs.

Inaabangan ang ma­alab na paglalaro ga­ling ki­na Alyssa Valdez at Amy Ahomiro para ta­pu­sin ng Ate­neo ang group elims bitbit ang tatlong su­nod na pana­lo.

May apat na dikit na tagumpay ang NU, ngunit tiyak na bibigyan sila ng magandang laban ng Da­vao selection na nanalo sa unang dalawang laro kontra sa FEU Lady Ta­maraws at Perpetual Help Lady Altas.

Ang huling panalo kon­tra sa NCAA champion na Lady Altas na sibak na sa kompetisyong may ayuda ng  Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil ay nangyari sa limang sets at nakita ang tibay ng dibdib ng mga Lady Agilas nang ma­numbalik ang kanilang porma ka­hit nawala ang iti­nayong 2-0 kalama­ngan.

vuukle comment

ADAMSON LA

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARELLANO LA

ATENEO LADY EAGLES

DAVAO AGILAS

FIRST CONFERENCE

LADY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with