^

Para Malibang

Biyahe na!

Pang-masa

Boracay, El Nido, Coron, Siargao, Cebu, Da­­vao, Dumaguete, Japan, Korea, Taiwan, Singapore, Hong Kong, Thailand, at Indonesia. Saan mo gustong pumunta? Marami ang gustong makarating sa iba’t ibang lugar.

Pero laging problema ang budget. Marami ang nag-iisip na malaki ang magagastos kapag bumibiyahe. Ngunit kung magiging wais, hindi naman talaga ganoon kalaki ang gastos tulad ng iniisip natin. Nasa tamang pagpaplano at pagba-budget lang yan. Narito ang ilang tips kung paano mapapaliit ang gastos sa pagbibiyahe. Marami na ngayong makikita sa mga social media na nag-o-offer ng kanilang promo package na may kasama nang transportation at accommodation, with breakfast pa. Pero siyempre, mas makakatipid sa do-it-your-own dahil mas makakahanap ng mas murang airfare, transportation, at accommodation. Siyempre kung may bahay na puwedeng tuluyan sa inyong destinasyon ay malaking tipid na ito sa budget. Kung choosy naman sa tutuluyan, dapat ready kayong gumastos sa hotel.

Makatutulong din ang iba’t ibang travel guide sites tulad ng tripadvisor.com, trivago.com, booking.com, agoda.com. Magbasa rin ng mga travel bloggers para makapulot ng tip tungkol sa inyong destinasyon. Kung may kaibigan o kamang-anak na nakapunta na sa lugar na balak ninyong puntahan, alamin kung paano makakamura at makakatipid. (Mae Balbuena)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with