^

Para Malibang

Pangalawang Anino (325)

Gilda Olividado - Pang-masa

NANLILISIK ang mga mata ni Yawan sa galit habang kausap si Yawanaya.

“Hindi ko matatanggap ito, Yawanaya! Ang aking ina ay pinarusahan ni Nanette! Dinala sa kung saan, hindi ko pa alam!”

“Buhay o patay?”

“Buhay pa! Pero nararamdaman ko na naghihirap!”

“Akala ko ba dahil marami tayong nautong mga madasalin, hindi na tayo madaling matalo ni Nanette!”

“Lumalaban pa rin siyempre ang kabilang puwersa. Kaya nga tayo nakikipagkumpitensya sa kanila para maging matagal ang panalo natin, e.”

“Walang katapusang laban? Walang katapusang trabaho?”

“Huwag kang magreklamo. Dahil kailangan masaya tayo sa ginagawang ito. Hindi ba nakaka-challenge naman makipag-agawan ng trono kay Nanette?”

“Iyon nga lang, paminsan-minsan ikaw panalo. Paminsan-minsan ay siya. Di mo ba kayang alamin kung saan dinala ang nanay mo?”

“Hindi ganoon kadali. Dahil ... ang lugar ay sagrado sa kabilang puwersa. Nababantayan ng kapangyarihan ng Diyos nila. Kaya hindi ko basta matukoy.”

“Hayaan mo na lang ...”

“Hayaan?”

“Bakit, mahal mo ba talagang nanay mo? Marunong ka bang magmahal? Eh, kadiri na siya. Pumangit, kumain ng taong buo, mabaho ...”

“Hindi ‘yon ang punto, e. Ang laban namin ni Nanette ang punto. Kapag natatalo niya ako, minus point din ako sa ating hari ng kadiliman. Pati ang aking kapangyarihan, nababawasan.”

“Ay, siyet ...”

“Alam mo bang may iniligtas na letseng mabait si Nanette sa lawa? Isang mangingisda. Pinahalagahan niya ito nang husto kaya iniligtas niya. At ang mangi­ngisdang ito ay may pambihirang tiwala sa Diyos! Kaya nakapuntos na naman ang kabilang puwersa!”

“Alam mo, Yawan ... nahihirapan akong intindihin ang proseso ng labanang ito. Kung kailan tayo nananalo, kung kailan tayo natatalo.”

“Kahit isa lang ang nailigtas pero ang isang ito ay isang taong buo ang tiwala sa kanilang Diyos ... katumbas na rin ito sa mga daan-daang naloko natin sa pagpapanggap nating mga mababait na nagmimilagro.”

“At bakit naman ganoon? Isa lang matindi na ang puntos?”

Ngitngit si Yawan, hindi makasagot. Bale-wala na sa kanya ngayon itong halos buong kapulisan na sa presinto ay halos sumasamba sa kanila.  ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with