Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bagong Goals ng Anak

Bagong taon ay bagong araw na puwedeng reinvent ang sarili. Ito ay bagong pagkakataon para mag-set ng rules sa bahay at sa mga anak. Pero huwag itong gawin na parang parusa o preachy na paraan dahil tiyak na hindi maeengganyo ang mga anak na sumunod.

Simulan ang positibong approach sa pakikipag-usap sa mga anak sa kanilang bagong goals at rules sa bahay. Sa halip na pintasan ang kanilang kahinaan, kapalpakan, pagkakamali; mas bigyan ng pansin ang mga magagan­da nilang katangian o accomplishment.

Hayaan silang mag-isip na hindi nagawa noong nakaraang taon. Gaya ng kung gustong tumugtog ng piano ng anak, hamunin ito na i-push pa ang sarili na mag-aral magbasa ng notes at mag-practice pa more.

Ipaalala sa anak na ang pagbibigay ng extra effort ay maaaring magdala sa kanyang tagumpay sa target nitong goals.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: