Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sikreto sa Mabilis na Pag-defrost

Burp Tips

Dahil katatapos na naman ng holiday season tiyak na sandamakmak ang mga tirang pagkain at inilalagay sa freezer.

Ang pinakamabilis na paraan ng pag-defrost hindi lang ng mga naka-freezer na tirang pagkain kung hindi ng mga karne’t isdang lulutuin ay ang pagtapat nito sa tubig sa gripo. Pero ang ganitong paraan ay magastos sa tubig, at alam naman natin na forever na tumataas ang singil sa tubig at kuryente kaya dapat magtipid.

Kaya para makati­pid, mag-defrost ng kahit ano’ng pagkain gamit ang isang aluminum tray. Ipatong lamang ito sa tray at iwan. Nakatutulong kasi ang tray sa mas mabilis na pagkatunaw ng yelo dahil magandang heat conductor ito. Ina-absorb ng aluminum ang init sa paligid nito.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe nagustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: