Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pagkaing Suwerte Ngayong Bagong Taon

BURP FACT

Unang araw ngayon ng taon kaya naman dapat maging masagana at masaya tayo para mas maging maayos ang darating na taon.

Sinasabing suwer­te ang bilog tuwing bagong taon kaya naman ang pagkain ng ubas ang isa sa sinasabing dapat gawin.

Bukod pa sa paniniwalang isang dosenang bilog na prutas ay isa rin na suwerte raw kainin ay ang beans o lentils.

Hugis barya raw kasi ang mga ito kaya ito ang inihahanda sa hapag tuwing medya noche para suwertehin ang iyong bulsa sa buong taon.

Ang pagkain din daw ng leafy greens ay magdadala ng suwerte dahil kulay pera ang berde na siyang kulay ng mga gulay na ito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bukod nga naman sa paniniwalang ito ay maganda rin ito sa kalusugan.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: