Masakit na Pakikipagtalik (10)
Ayon sa www.emedicinehealth.com, may iba’t ibang treatments ang sex pains depende sa dahilan nito. Kaya mahalagang ma-identify muna ang sanhi ng sex pain.
Natalakay na natin ang atrophy (pagnipis ng vaginal walls) dahil sa pagme-menopause at urethritis-urethral syndrome o irritation sa urethra at lower blader, kakulangan sa lubrication, vaginismus o ang nakakaramdam ng sakit sa kahit na anong uri ng penetration at Vaginal strictures o ang abnormal na pag-iksi/pagliit ng vagina na pinagmumulan ng sex pain.
Talakayin naman natin ngayon ang Interstitial cystitis.
Ito ay ang pagkakaroon ng chronic inflammation o grabeng pamamaga/pananakit sa bladder o pantog na walang dahilan.
• Ang isang karaniwang sintomas nito ay ang painful sex.
• Kailangan ng cystoscopy (isang procedure para suriin ang loob ng pantog) at banatin ang bladder wall para malunasan ito. Ang ibang treatment ay bladder washings ng dimethyl sulfoxide (DMSO) at pag-inom ng gamot. - (Itutuloy)
- Latest