^

Para Malibang

Pasko sa Bolivia

KULTURA - Pang-masa

Ipinagdiriwang ang Kapaskuhan sa Bolivia mula bisperas ng Pasko hanggang Epiphany o Three Kings (January 6).

Tulad sa atin, popular din ang Misa de Gallo sa mga Katoliko kung saan siyam na araw bago mag-Pasko ay nagsisimba ang mga tao.

May noce buena rin sila at pagbubukas ng mga regalo pagkatapos kumain. Ang karaniwang makikitang nakahain sa kanilang mga hapag ay ang picana o sinabawang manok, baka, baboy na may kasamang patatas o mais. Mayroon ding mga salad, lechon, roast beef, at mga prutas.

Marami naman sa mga mahihirap na lugar dito ang hindi ipinagdiriwang ang Kapaskuhan. Parang ordinaryong working day lamang ito para sa kanila.

Doble o triple naman ang bayad sa mga trabaho sa Bolivia. Tinatawag nila itong El Aguinaldo at nasa batas na kaila­ngang bayaran ng doble o triple ang kanilang mga empleyado tuwing Dis­yembre. Marami rin ang nagbibigay ng End of the Year basket kung saan may mga grocery items, spark­ling drink, at fruit bread.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with