^

Para Malibang

Isla Paraiso(101)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Patuloy sa pagtakbo ang babae sa madawag na lugar. Kahit pagod na sa pagtakbo ay hindi siya tumitigil. Mayroon kasi siyang misyon --- ang takawin si Jumbo at magpahabol para mabitag ito. Isa siyang pain. At nagtatagumpay na siya sapagkat malapit na niyang marating ang takdang lugar para ganap na mabitag si Jumbo. Kapag nahuli si Jumbo, tapos na ang problema.

Nilingon ng babae si Jumbo. Patuloy ang pagsunod sa kanya. Sa palagay niya, hingal na hingal na si Jumbo.

Kaunting-kaunti na lang at mabibitag na si Jumbo. Parang baboy-damo ito na babagsak sa kulungan.

Sige pa Jumbo, sige sumunod ka pa!

Nang mga sandaling iyon naman ay nagkanya-kanyang hanap ng puwestong pagpapahingahan ang mga tauhan ni Jumbo. Mayroong humilata na sa damuhan at natulog.

Ang iba ay sarap na sarap sa pagkukuwentuhan.

“Suwapang talaga si Jumbo ano. Ayaw mag-share. Sinolo ang tsik na naliligo.’’

“Babae kasi ang libangan ni Jumbo. Di ba kaya nakulong yan ay dahil maraming ginahasa. Tiyak na kawawa yung babaing naliligo sa talon dahil hindi siya titigilan ni Jumbo. Manyak na yata ang gagong ‘yun.’’

“Nasaan na kaya si Jumbo? Parang malayo na tayo sa kanya.’’

“Nandyan lang yun sa tabi-tabi. Siyempre, hindi makakawala ang babae.’’

“Pero bakit wala tayong naririnig na sigaw?’’

“Siyempre, pinatahimik na ni Jumbo ang babae, ha-ha-ha.”

“Pinatahimik sa sarap.’’

“Mabuti pa matulog muna tayo.’’

“Sige!”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with