Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bonus Treat Para sa Pamilya

Sa pagtanggap nga­yon ng Christmas bonus, magpasalamat sa kompan­ya sa pagbabahagi ng blessings.

Lalong masaya kung hawak na ang ekstrang pera, pero hindi ibig sabihin ay pambibili na ito ng 60” wide TV screen.

Huwag din ubusin sa pambili ng regalo ang lahat ng pera. Dapat lahat ay naka-budget na gamitin sa importanteng gastusin.

Sa halip ay unahin ang pangangailangan ng pamil­ya at puwedeng pang repair na dapat ayusin sa bahay. Maaari ring bigyan ng treat sina misis at mga anak para sa big meal na kumain sa paboritong restaurant. I-enjoy ang appetizer, salad, at main dishes.

Puwede rin magplano ng bakasyon kahit hindi nga­yon kundi sa summer. Dahil holiday season, busy pa ang lahat kaya ilagay muna ang pera sa savings.

Kung ang plano ay sa susunod na bakasyon mas makakamura kung aagahan ang booking ng pamilya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaysa kung kaninong kamay pa mapunta ang pinaghirapang pera, unahin na ang pamilya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: