Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paano Sasabihin sa DH na Nanay na Buntis si Bunso?

Dear Vanezza,

Ako po ay 20 years old at nasa abroad si mama bilang  domestic helper at kami lang ng kapatid ko ang naiwan sa bahay. May sarili nang ibang pamilya si papa. Hindi ko masabi kay mama na hindi pala nag-enroll ang kapatid ko ngayong second sem na ginastos lang ang pera. Ang malala ay buntis ang kapatid ko na 19 years old. Natatakot ako na masaktan si mama, pero hindi ko rin alam ang gagawin sa kapatid ko kahit pananagutan siya ng nobyo niya. Paano ko ba sasabihin kay mama ang sitwasyon namin? – Rhea

Dear Rhea,

Sa ayaw o gusto mo ay tiyak na masasaktan ang mama mo. Pero kailangan niyang malaman ang sitwasyon para makapagdesisyon siya kung anong dapat gawin sa kapatid mo.  Upang  maging mapanatag din ang kalooban mo sa problema ninyo ng kapatid mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: