Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Home Remedy sa BED (Binge Eating Disorder)

BABALA: Kumonsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.

1. Kasabay ng therapy session, kaila­ngang magkaroon ng meal plan. Piliting sundin ang meal plan para hindi masira ang treatment.

2. Iwasan ang pag-diet. Nakaka-trigger ang pagdidiyeta ng binge eating at maaaring bumalik sa dati.

3. Kumain ng agahan. Marami sa mga may binge eating disorder ang hindi kumakain ng agahan kaya napaparami ang kain sa buong maghapon.

4. Iwasang mag-imbak ng pagkain. Hindi magandang may madaling access sa pagkain lalo na kapag nakikita ito.

5. Alamin ang mga pagkaing kailangan ng iyong katawan. Sundin ang payo ng doktor sa mga dapat kainin at hindi dapat kainin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

6. Makihalubilo sa mga tao at sa pamilya. Huwag magtatago sa kuwarto o kung saan man.

7. Maging aktibo para makabawas ng timbang.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: