^

Para Malibang

Pangalawang Anino (284)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NASA presinto na sina Angela at Ariel. Naku-curious pa rin ang mga presong babae nang makakita ng isa pang anino na naglalakad mag-isa, nagsasalita, kumikilos na siya lang ang may gusto.

Hindi tulad ng ibang normal na anino na ang ikinikilos ay ang kilos lamang ng taong pinanggalingan nila.

“Mabait kaya ‘yan? Napakawirdo pa rin na may ganyan, ano?”

“At siya pala ang dating anino ni Yawan. Siya raw talaga ang unang anino. Hindi raw ‘yan noon kumikilos at nagsasalita. Normal na normal na anino raw ‘yan noon, hindi humihiwalay kay Yawan. Pero tingnan mo nga ngayon, may sarili nang pagkatao.”

“Grabe talaga ang Yawan na ‘yan, ano? Kakaiba talaga at nakakatakot!”

“Eh, lalo naman ang ina nila. Si Alona. Paanong nagkaanak ng demonya ‘yon eh, taong-tao lang naman.”

“Oo nga, e. Ang pagkakamali lang naman niya noon ay nagtanan sila ni Roger na may asawa na. At tinakbuhan naman ni Roger ang responsibilidad sa kanyang pamilya.”

“Isang malaking pagkakamali na nanganak ng kademonyohan. Si Alona ngayon, isa nang aswang na bampira!”

Nasa harapan na niya Yawan at Yawanaya si Angela.

Nakakulong pa rin sa loob ng selda siya Yawan at Yawanaya.

Natural, tuloy pa rin ang pag-arte niya Yawan at Yawanaya.

Nang makita si Angela, kung dati galit sila ngayon ay bait na bait.

“Angela! Salamat at dinalaw mo kami!” May luha pa si Yawan.

“Kalimutan na natin ang samaan ng loob, Angela. Kung naparito ka para makipagbati, payag na payag kami. Miss na miss ka na nga namin, e. Hindi tayo buo kapag hindi dalawa ang anino ni Yawan.”

Hindi pa rin tiwala si Angela sa dalawa.

Pero hindi naman niya magawang awayin ang mga ito. Kahit naging masama sa kanya ang dalawa, nami-miss din naman niya ang mga ito.

“Puwede bang ... magdasal kami ni Ariel dito sa inyong harapan. Bilin kasi ni Father, e. Totoo man o hindi na nagpapakabait na kayo, kailangang magdasal tayong lahat.”

“Iyan ang pinakahihintay namin ni Yawan. Na may magdadasal na mga banal sa amin.”

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with