^

Para Malibang

Pangalawang Anino (280)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

KAHARAP nga­yon nina Yawan at Yawanaya si Tagapag-alaga.

“Tagapag-alaga, ano na naman ba kasi ang problema at muntik pa kaming mamatay doon sa ilalim ng ilog? Biglang nawala ang kapangyarihan naming makahinga doon!”

“Hindi maganda ang nagiging resulta ng pananakot ninyo sa mga tao sa inyong lugar. Lalo silang napapalapit sa kanilang Diyos.”

“Kasalanan ba namin ‘yon? Eh, ganoon ang natural ng mga masasama, magpaka­sama! Hindi namin kontrolado ang reaksiyon ng mga tao!” Inis na sagot ni Yawan.

“Magbago ng taktika, iyan ang sabi ng panginoon ng kadiliman.”

“Ano’ng plano? Mag­kunwari kayong mababait!”

AT natagpuan na nga lang ng mga tao sina Yawan at Yawanaya sa isang kalsada ng lugar nila.

Mga walang malay. Si Yawan ay makikita ang mga sugat sa mukha at katawan.

“Ano ang nangyayari sa mga masasamang ‘yan? Patay na ba o buhay pa?”

“Parang mga humi­hinga pa.”

“Dapat ngayon pata­yin ang mga ‘yan habang walang kalaban-laban. Sino ba ang may baril o kaya kahit itak? Pagtata­gain natin!”

 Isa rin sa mga naroroon ang pumigil. “Huwag! Masama ‘yon! Lagi tayong nagdadasal sa simbahan tapos papatay tayo nang walang kalaban-laban?”

“Oo nga naman ... hindi tayo mamamatay-tao ... hindi natin magagawa ‘yon kahit pa magkaroon tayo ng baril o itak.”

Wala ngang kumilos para manakit kay Yawan at sa pangalawang anino. Pero nagbabantay lang sila sa dalawa.

“Hintayin nating magi­sing. Saka natin malalaman kung puro kasamaan pa rin ang takbo ng utak ng mga ‘yan.”

Maya-maya ay gumagalaw na ang pangalawang anino. Hanggang sa nagkamalay na kuno ito.

“N-nasaan kami? Naririto pala kami sa ... lugar natin?”

“Ano ang nangyari sa inyong dalawa? Naparusahan ba kayo ng Diyos kaya kayo nagkakaganyan?”

“Hindi ng inyong Diyos. Ang nagparusa sa amin, ang nanakit kay Yawan ay ang ... diyos na sinasamba namin.”

“Bakit ‘yon ginawa ng sinasamba ninyo?”

“Dahil lumaban kasi kami sa kanya. Ayaw na namin ni Yawan. Gusto na naming magbago.”

Nagkatinginan ang mga tao. - ITUTULOY

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with