^

Para Malibang

Pangalawang Anino (273)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

MADALING-ARAW na sa presinto. Pinakamaagang nagising si Naomi dahil manunubig.

“Kuya Pulis, wiwiwi ako. Pabukas naman, o.”

“Aga naman!”

“E, naparami ng inom ng tubig kagabi. Kundi naman kasi iinom ng marami, baka hindi makaya ang magdamag sa init dito!”

“Dahil mga duwag kayo! Siksikan kayo lahat diyan! Tingnan mo si Dakua, ang tahimik! Maalwan ang kinalagyan dahil hindi natakot kay Alona.”

“Oo na. Mali nga kami, e. Wala namang nangyari kagabi, ang himbing ng tulog ni Dakua!”

Nabuksan na ang selda ng mga nagsiksikang preso. Pupunta na sa CR si Naomi pero para tiyak na hindi makakagawa ng pagtakas, sinamahan ng bantay na pulis.

Dumaan sila sa tapat ng selda nina Alona at Dakua.

Iisa pa rin ang ilaw sa buong lugar kaya mahirap aninawin ang nasa loob ng selda.

Pero dahil bata pa ang pulis, mas malinaw ang mga mata.

“Teka! Bakit iisa na lang ang laman ng selda?”

“Ha? Ba, oo nga ano ... hindi na dalawa!”

“Buksan mo! Buksan mo ang ilaw! Dali!”

Takbo sa switch ng ilaw si Naomi, binuksan.

Iisang tao na nga lang ang nasa loob ng selda. Si Alona. Kampanteng nakaupo, nakasandal sa pader at nakangiti.

“Putsa ... tumakas si Dakua!”

“Ang tagal na noon dito ngayon lang nakaisip tumakas? Hindi mo nasarhang mabuti ang selda nila?”

“Tiniyak kong naka-lock kagabi ang seldang ‘yan. Maingat akong bantay, ‘no? Lalo na nag-iisa lang ako kagabi dahil may sakit si Sarhento Luisita.”

Lumapit ang bantay na pulis sa pinto ng selda.

“Naka-lock pa rin. Paanong nakatakas si Dakua eh, wala namang bintana dito?”

“Baka ni-lock niya ang pinto nang nasa labas na siya!”

Saka lang nila napansin ang konting bahid ng dugo sa sementadong sahig.

“Ano’ng ibig sabihin nito? Dugo ‘yan, a. O, may sariwa pa!”

“Napaano si Dakua? Bakit wala siya?”

Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with