^

Para Malibang

Pangalawang Anino (263)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-AALALA si Sheila. “Pero paano kung mauubos ang mga pira-pirasong imaheng bato ng anak ko? Mabubuhay pa rin ba siya?”

 “Sigurado ako na hindi mamamatay si Nanettte sa paraang naisip ninyo, Aling Sheila. Isa siyang banal, naniniwala ako na hindi siya parang kung anong bagay lang na nauubos. At hindi na makakabalik.” Puno ng tiwala si Angela.

 “Palagay ko ho tama si Angela. Pambihirang nila­lang si Nanette, hindi na ho siya ordinary.”

“Sana nga. Pero hindi ko na kasi alam, e. Alam ko, may labanan ng kabutihan at kasamaan. At ang anak ko ang lumalaban para sa kabutihan. Pero dahil napakasama ng kanyang mga kalaban at napakamakapangyarihan pa, hindi ninyo ako masisisi kung minsan ay nawawalan ako ng pag-asa.”

“Sheila ...” Sumabad na si Roger.

Tanggap na ni Sheila na nagbalik na sa kanila ang asawa, tuluyan nang iniwan ang criminal at nadedemonya nang si Alona.

“Roger, nag-aalala lang ako sa anak mo.”

“Pero naaalala mo ba na ako ay naputulan ng dila? At iyon ay naibalik ni Nanette. Tingnan mo ngayon, may dila na uli ako at nakakapagsalita.”

“Alam ko.”

“Ibig sabihin magtitiwala tayo sa kapangyarihan ng kabutihan. Pinaghirapan niyang maging banal. Isinugal niya ang kanyang buhay, nagtiwala siya sa Diyos. Kaya dapat lang na magtitiwala rin tayo sa kanya.”

“Hindi siya mawawala, Roger kahit pa mauubos ang mga pira-pirasong imahe niya na bato?”

“Palagay ko, kaya siya naging bato, ito ang paraan para siya makalaban.”

“Pero naging pira-piraso siya dahil sa kapangyarihan ni Yawan.”

“Hinayaan iyong mangyari ng anak mo. Alam niya na makakatulong ito sa kanyang paglaban.”

“Hindi ba talaga puwedeng tuluyan na lang matalo at mawala sina Yawan at Yawanaya?”

Ang pari ang sumagot. “Aling Sheila, this is a fallen world. Laging nagbabanggaan ang kabutihan at kasamaan. Tayong lahat ay kailangang tumulong para mangibabaw ang kabutihan. At hindi ito madali. Napakahirap. Kung minsan, mismong buhay natin ang kapalit. God brought us to the fallen world to learn how to be strong in fighting for what is God’s mission. At okay lang ho ‘yon, we just have to keep on fighting. For all its worth.”

NASA   ilalim ng ilog sina Yawan at Yawanaya. Nakakahinga. Nakahiga. Pinipitik ang mga isdang lumalapit sa kanila. Dito sila nagtatago, katuna­yang angat na ang kanilang kapangyarihan dahil kahit sa tubig ay kaya nilang manirahan.  - Itutuloy

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with