Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pangalawang Anino (262)

NAKALAPIT na rin si Ariel kay Angela at sa banga na pinaglalagyan ng mga pira-pirasong imaheng bato ni Nanette.

“Ariel, ang sabi ni Nanette ... lumaban daw tayo. Gamitin natin ang mga pira-pirasong bahagi niya. Gawin nating sandata.”

“Nakausap mo siya?”

“Nagsalita siya sa aking isipan. Kahit nagkakaganyan siya Ariel, buhay pa rin siya. Bilang banal, napakamakapangyarihan pa rin niya.”

“So ano pa ang hinihintay natin?” At dumukot na si Ariel sa banga, paglabas ng kanyang kamay, may ilang piraso na itong dala.

“Kumuha ka na, Angela. At harapin na natin ang dalawang demonyong ‘yan.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kumuha na nga rin si Angela at buong tapang na sumunod kay Ariel.

Humarap sila sa dalawa, nasa mga kamay ang ilang piraso ng katawan ni Angela na naging bato.

Unang bumato si Ariel.

Tinamaan kaagad ang pangalawang anino. Sa ulo. Umilaw ng bughaw, natumba si Yawanaya.

May sugat ito sa ulo. Mahilo-hilo.

Nakita ito ni Yawan kaya sumugod. Ang bilis naman ni Angela, binato rin si Yawan ng piraso ng katawan ni Nanette.

Sa may dibdib tinamaan si Yawan, agad itong natumba at hindi na nakabangon.

May sugat siya sa dibdib.

Wala nang tao sa simbahan, nakatakas lahat, walang nasaktan.

Lumapit sina Angela at Ariel, may mga dala pa rin panlaban kina Yawan at Yawanaya.

“Kapag hindi ninyo tinigilan si Nanette, kami at ang mga tao ... uubusin namin ni Ariel ang mga pira-pirasong imahe ng bato ni Nanette sa inyo. Para magkadurug-durog kayo.” Matapang na banta ni Angela.

Kumumpas si Yawan at bigla silang nawala ni Yawanaya sa loob ng simbahan.

Lumapit ang pari kina Angela at Ariel. “Tumakas na sila. Ibig sabihin, natakot sila sa inyo!”

“Pansamantala lang ho ‘yon. Tiyak na babalik sila para gumanti. Kailangan ho handa tayo. Ingatan natin ang mga pira-piraso ni Nanette sa banga dahil sila pala ang ating panlaban.” ITUTULOY

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: