^

Para Malibang

Beauty Tips Mula sa Ibang Bansa

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

(Part 1)

Brazil ­ Mahilig sa beach ang mga taga-Brazil. Dahil dito, nakaisip sila ng paraan para mabawasan ang cellulite para flawless ang sinumang magsusuot ng bikini. Kumuha lamang ng basang buhangin at i-rub ito sa bahagi ng katawan na may cellulite ng paikot. Mapapaganda nito ang daloy ng dugo na siyang magbibigay ng mas smooth na balat.

Egypt ­ Sinasabing si Cleopatra ang unang babae na nakadiskubre ng magical effects ng milk baths o ‘yung pagligo sa gatas. Paghaluin lang ang isang litrong gatas at kalahating baso ng honey at saka ito ibabad sa katawan ng 20 minuto. Pagkatapos nito ay agad mapapansin na mas malambot at elastic na ang kutis. Bago ito gawin ay siguraduhing walang anumang allergy sa mga nasabing component.

Colombia - Ang avocado ang isa pinakasikat na ingredient sa beauty recipes ng Latin American countries kabilang na ang Colombia. Para sa mas malambot at makintab na buhok, paghaluin lang ang durog na saging at avocado, at isang kutsarang olive oil. Ilagay sa buhok ng 20 minutes at saka mag-shampoo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with