^

Para Malibang

Light Therapy at Talk Therapy

Pang-masa

Ang Seasonal Affective Disorder (SAD) ay isang klase ng depression na nati-trigger ang brain kapag nababawasan ang exposure sa liwanag ng araw na walang sinomang nakakaalam kung paano at bakit ito nangyayari sa panahon na mas mahaba ang gabi kaysa sa araw. Ang isang sintomas ay nagbabago ang mood ng isang tao na maaaring makaramdam ng pagkalungkot at irritable ng dalawang linggo sa loob ng isang taon. Sa ganitong panahon ay feeling walang silbi, walang pag-asa, self-critical, sensitive, madaling ma-upset, umiyak, mainis, at mapikon. Nawawalan ng interest sa kaibigan, pamilya, school, at social activities. Hindi maipaliwanag ang pagod na karamihan ay nakararamdam ng down at low bat din ang energy. Katulad ng ibang depression puwedeng mild o severe ang epekto na iba-iba rin ang epekto sa bawat bansa lalo na kung winter season; at sa lugar na mas mahaba ang gabi gaya sa ‘Pinas kapag tag-ulan, tag-lamig, o magpa-Pasko.

Ang indibidwal na may biological, brain chemistry, family history, environment, masamang karanasan ay mas prone na makaranas ng SAD o ibang uri ng depression. Payo ng expert ang light therapy na i-expose ang sarili kahit sa lightbulbs mula sa regular lamps.  Hanggang sumikat muli ang araw.  Mahalaga rin ang talk therapy para mabaling ang negatibong nararamdaman at lungkot para maintindihan ng ibang kasama ang pinagdadaanan. Minsan may antidepressant medication na ibinibigay ang doktor para ma-regulate ang balanse ng brain chemistry dahil sa depression ng SAD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with