Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinsan ng Earth Nahanap

Taong 2015 nang may natagpuang planeta na maihahalintulad sa mundo ang National Aeronautics and Space Administration (NASA). Ito ay sa pamamagitan ng kanilang spacecraft na Kepler.

Tinawag nila itong Kepler-186f o “Earth’s cousin” dahil parang pinsan daw ito ng Earth at hindi masyadong nagkakalayo ang hitsura.

Ayon sa mga astronomer/astronaut, ang nasabing planeta ay nasa “habitable zone” na ang ibig sabihin ay pwedeng pamuhayan ng mga tao at hayop.

Malapit din kasi ito sa isang bituin sa galaxy nito gaya ng Earth na malapit sa araw. Halos kasing laki rin ito ng Earth pero wala pang ideya ang NASA kung ano ang komposisyon ng Kepler-186f. May layo itong 490 light years sa Earth.

Ayon sa mga pag-aaral, may tubig din ito gaya ng Earth pero mas mabato.

Noong 2009, may nadiskubre rin ang NASA na planetang maihahalintulad sa Earth at nakumpirma ito noong December 2011 at pinangalanan nila itong Kepler-22b.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

May iniikutan din itong star o araw gaya ng Earth pero sa layo nitong 600 light-years away, kailangan pa ng matagal at masusing pananaliksik.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: