Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Lalaki Kinain ang Lover!

Grabe na ‘to!

 Isang German ang nakalaya na matapos makulong ng walong taon dahil sa pagkain sa kanyang gay lover.

Kinatay at kinain ni Armin Meiwes ang kanyang lover na si Bernd Brandes taong 2001. Ayon kay Armin, nagkakilala sila ni Bernd sa isang cannibal dating site at doon nagsimula ang kanilang relasyon.

Nag-dinner ang couple sa farm house ni Armin at pagkatapos nito ay hindi pa nakuntento si Bernd dahil ini-offer niyang kainin siya ng partner. Pinutol ni Armin ang ari ni Bernd at pinagsaluhan matapos itong i-prito.

Detalye pa ni Armin, kinaumagahan na niya kinatay ang lover. Niluto ni Armin ang likod na parte ni Bernd at ginawang steak. Hindi raw nito maipaliwanag ang saya na naramdaman dahil teenager pa raw siya nang magsimulang i-fantasize ang pagkain ng karne ng tao.

Nahuli si Armin da­hil na rin sa tip ng isang estudyante na may pinatay ito at kinain. Nakulong si Armin ng walong taon at naging vegetarian umano mula nang makulong.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: